^

Metro

P1.3 B halaga ng droga, sinunog ng PDEA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Umabot sa P1.3 bilyong halaga ng droga, partikular ang high grade cocaine ang sinu­nog ng pamunuan ng Philip­pine Drug Enforce­ment Agen­cy (PDEA) sa isang pa­silidad nito sa lung­sod ng Malabon kahapon ng umaga.

Ang nasabing mga droga ay nasabat ng mga mangi­ngisda noong nakaraang Dis­yembre 22 at 23 ng nakalipas na taon sa karagatan sa Brgy. Minaanod, Llorente at Brgy. 7, May­dolong sa Eastern Samar.

May kabuuang 187 bricks at 35 plastic packs ng high grade cocaine ang nakuha sa nasabing lalawigan na i-turn-over ng pulisya ng Samar sa pamunuan ng PDEA.

Sinasa­bing sakay ng isang barko ang droga para dalhin sa ibang bansa nang masabat ng mga awtoridad.

May posi­bilidad ding iba­bagsak sana ang droga sa isang barangay sa Samar, ayon pa sa PDEA.

Kaya naman matapos ang isang buwan nang makakuha ng court order ang PDEA ay pinasusunog na ang na­sabing droga.

Samantala, tinitingnan ng PDEA na posibleng kaakibat ng nasabing droga ang pag­gamit ng mga politiko na tu­ma­­takbo sa election o narco­politics.

Ayon kay PDEA deputy di­rector Senior Undersecre­tary Dio­nisio Santiago, ang politi­kong marami ang private armies ang posibleng sangkot dito o protektor ng mga ito.

Bukod sa cocaine, ka­sama rin sa sinunog ang 12.685 kg ng shabu; 108.586 kg ng marijuana; 65.22 grams ng epedrine; 19.94 grams ng phenmetrazine; 2.7 grams ng ecstacy; at 34.4 grams ng valium; at 51,908 vials ng ketamine.

Disyembre 24, 2009 nang unang sunugin ng PDEA ang 66.06 kilograms ng high grade cocaine bricks na na­unang na­rekober sa nasabing la­lawigan.

AYON

BRGY

BUKOD

DIO

DRUG ENFORCE

EASTERN SAMAR

PDEA

SAMAR

SENIOR UNDERSECRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with