NBI bibitbitin si Ivler sa korte
MANILA, Philippines - Desidido pa rin ang National Bureau of Investigation (NBI) na sila pa rin ang maglalabas sa ospital at magbibitbit kay Jason Ivler sa korte sa Pebrero 16, para iharap sa arraignment hangga’t wala pang kautusan mula sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) na magpapatigil sa kanila kahit iginigiit ni Marlene Aguilar na kritikal pa ang kanyang anak.
Sinabi kahapon ni Atty. Angelito Magno, hepe ng NBI Special Action Unit, na nakatanggap na sila ng subpoena na nag-uutos na dalhin si Ivler sa sala ni Judge Alexander Balut, ng QC RTC Branch 76.
Hinihintay na lamang umano ng NBI ang advice ng doktor kung maari nang ilipat sa QC jail si Ivler at sa oras na i-turn-over na nila ito doon ay mawawalan na sila ng kostudiya kay Ivler at ang jail guards na ang eeskort sa kanya sa mga pagdinig. Wala naman umanong magagawa ang NBI kung maghahain ng motion to defer arraignment ang mga abogado nito dahil sa giit ni Marlene Aguilar sa kondisyon ni Ivler, ani Magno. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending