MANILA, Philippines - May 200 high school students mula sa 45 pampublikong paaralan sa Quezon City ang sumailalim at nakinabang sa seminar-training ng Ilaw ng Bayan Foundation na pinamumunuan ni QC Vice Mayoralty bet Joy Belmonte.
Ayon kay Belmonte, ang proyektong ito na tinatawag na Pag-Ibig findings ay naglalayong mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga kabataan kung paano maingatan ang kanilang mga sarili, mapalakas ang kanilang kaalaman at para magkaroon sila ng emotional changes at empowerment.
Dito, tinuruan din ang mga kabataang ito kung anong field ang kanilang dapat palakasin at paunlarin pagdating nila sa kolehiyo at sa mga darating na panahon para sa kanilang ginagalawang komunidad.
Anya, ang programang ito ay nasimulang ipatupad ng foundation kasama ng Soroptomist International of Quezon City, QC government at College of Social workshop ng University of the Philippines.
Isinagawa ang seminar-training noong Disyembre 6, Enero 6, Enero 23 at Pebrero 6 ng taong ito. Sinabi pa ni Joy na plano niyang ipagpatuloy ang programang ito para sa kapakanan ng mga taga-QC. (Angie dela Cruz)