^

Metro

200 students nakinabang sa seminar-training ni Joy B

-

MANILA, Philippines - May 200 high school stu­dents mula sa 45 pampubli­kong paaralan sa Quezon City ang sumailalim at nakinabang sa   seminar-training ng Ilaw ng Bayan Foundation na pinamu­munuan ni QC Vice Mayoralty bet Joy Belmonte.

Ayon kay Belmonte, ang proyektong ito na tinatawag na Pag-Ibig findings ay nagla­layong mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga kabataan kung paano maingatan ang kanilang mga sarili, mapalakas ang kanilang kaalaman at para magkaroon sila ng emotional changes at empowerment.

Dito, tinuruan din ang mga kabataang ito kung anong field ang kanilang dapat palakasin at paunlarin  pagdating nila sa ko­lehiyo at sa mga darating na pana­hon para sa kanilang gina­galawang komunidad.

Anya, ang programang ito ay nasimulang ipatupad ng foun­dation kasama ng Sorop­tomist International of Quezon City, QC government at College of Social workshop ng Univer­sity of the Philippines.

Isinagawa ang seminar-training noong Disyembre 6, Enero 6, Enero 23  at Pebrero 6 ng taong ito. Sinabi pa ni Joy na plano niyang ipagpatuloy ang progra­mang ito para sa kapa­kanan ng mga taga-QC. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANYA

BAYAN FOUNDATION

COLLEGE OF SOCIAL

ENERO

INTERNATIONAL OF QUEZON CITY

JOY BELMONTE

QUEZON CITY

SHY

VICE MAYORALTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with