^

Metro

Binatilyo 'tutuga' na sa nagawang krimen, tinarakan

-

MANILA, Philippines - Isang 17-anyos na binatilyo ang sinaksak ng kanyang ka­ibigan matapos mabatid ng huli na nakokunsensiya at susuko na ito sa mga awtoridad para isi­walat ang ginawa nilang pagpatay, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Ginagamot  sa Tondo Medi­cal Center sanhi ng saksak ng icepick sa kaliwang dibdib ang biktimang si Billy Martinez, ng Sacristia St., San Agustin ng lungsod na ito.

Kinilala naman ang na­dakip na suspek na si Christopher Lalim, 24, at kalugar ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa kahabaan ng C. Arellano st., ng nabanggit na lugar, nang sa­lubungin ng suspek ng saksak ang kaibigang biktima.

Nagalit ang suspek matapos na malaman nito na magsu­sumbong na sa mga pulis ang biktima tungkol sa ginawa nilang krimen, ang pagpaslang sa isang  Walter Yepes, 20, ng Pitong Gatang Sipac, Navotas City, kamakalawa dakong alas- 5:00 ng umaga.

Lumalabas na nakunsen­siya na si Martinez at handa na itong sumuko at ikanta kung sino pa ang kanyang kasabwat sa krimen na nalaman naman ni Lalim kung kaya tinangka nitong patahimikin ang kaibigan sa pamamagitan nang pagsak­sak dito, pero hindi siya nag­tagumpay. Ngayon, nadagda­gan pa ang kaso ni Lalim dahil na rin sa tangkang pagpatay kay Martinez. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BILLY MARTINEZ

CHRISTOPHER LALIM

LALIM

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

NAVOTAS CITY

PITONG GATANG SIPAC

SACRISTIA ST.

SAN AGUSTIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with