^

Metro

2 kelot patay sa hiwalay na aksidente sa Quezon City

-

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang iniulat na nasawi sa magkahiwalay na ak­si­dente sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya ka­hapon.

Sa ulat na nakarating sa Traffic Sector 3 ng Quezon City Police sa Camp Karingal, na­kilala ang mga nasawi na sina Gomer Philip Abrecino III, 21, estudyante at Joel Cunanan.

Lumilitaw sa imbestigasyon na unang naging biktima ay si Abrecino habang sakay ito ng kanyang Honda motorcycle (ZL-9933) at mabundol ng isang Mitsubishi Adventure (TYM-409) na minamaneho ni Felix Napiza, 42, sa kahabaan ng Re­galado Avenue at Mindanao Avenue Extension, Brgy. Lagro Novaliches ganap na ala-1:20 ng hapon.

Sa pagkakabundol sa bik­tima, tumilapon ito ng ilang metro bago bumagsak sa gitna ng kalsada hanggang sa masagasaan pa ang katawan nito ng dumarating na Hino pas­senger bus (NYL-245) na mina­maneho naman ni Ronal Robes, 35. Patay agad si Abre­cino sa nasabing lugar.

Ganap na alas-7 ng gabi naman nang mabundol at ma­sagasaan ng rumaragasang bus si Cunanan sa may panu­lukan ng EDSA sa Bansalangit St., Brgy. Veterans Village, sa lungsod.

Ang Rebuilt bus (TYL-313) na minamaneho ni Samuel Tubal, 44, may-asawa ng Block 10, Lot 26-B, Maryland Homes, Landayan San Pedro Laguna ay tinatahak ang nasabing lugar nang mahagip at masagasaan pa ang biktima.

Ayon sa pulisya, tumalon umano ang biktima mula sa footbridge sa nasabing lugar, hanggang sa tumama ito sa pa­parating na bus at masagasaan pa sanhi upang labis na mapin­sala ang ulo nito at mamamatay.

Nakapiit ngayon sa him­pilan ng PS3 ang mga sus­ pect sa nasabing insidente para sa paghahanda sa ka­song kaka­harapin nila sa pis­kalya. (Ricky Tulipat)

ANG REBUILT

BANSALANGIT ST.

BRGY

CAMP KARINGAL

FELIX NAPIZA

GOMER PHILIP ABRECINO

JOEL CUNANAN

LAGRO NOVALICHES

LANDAYAN SAN PEDRO LAGUNA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with