^

Metro

3 holdaper dedo sa shootout

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng taxi holdup gang ang nasawi ma­tapos na makipagpalitan ng putok sa tropa ng Quezon City Police District (QCPD) ilang minuto matapos na holdapin ng mga ito ang isang taxi driver at tangayin pa ang sasakyan nito sa lungsod Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Dead-on-the-spot ang mga suspek na pawang isina­la­rawan ang isa sa edad na 30-35, 5’5’’ ang taas; mahaba ang buhok; nakasuot ng puting t-shirt at maong pants; nakatsinelas ng Islander at may tattoo na “Guppreyna” sa likuran; ang isa ay nasa edad na 30-35, 5’3’’-5’5’’ ang taas; nakaputing sando at short pants at tadtad ng tattoo sa buong katawan kabilang ang Sputnik; at ang huli ay nasa edad na 25-30, 5’2’’ ang taas, mahaba ang buhok; payat; nakasuot ng dilaw na t-shirt at may tattoo sa leeg.

Ayon kay PO2 Hermo­genes Capili, ng Criminal In­ves­tigation and Detective Unit ng QCPD naganap ang eng­kuwentro matapos na humi­ngi ng saklolo ang biktimang si Joel Villona, 40,driver ng NRG taxi (TXR-985) at resi­dente ng Bagong Silang, Ca­loocan City makaraang holda­pin siya at tangayin pa ang mina­manehong taxi ng mga suspect.

Nangyari ang engkuwen­tro sa kahabaan ng Congres­sional Avenue, Brgy. Bahay Toro sa lungsod pasado alas- 2 ng madaling-araw.

Bago ito, sumakay umano ang isa sa mga suspek kay Villona at nagpahatid sa Culiat Tandang Sora.

Ayon kay Villona, inatasan umano siya ng suspect na pasukin ang makipot na kalye sa Project 6 hanggang sa hu­minto sila sa isang gate na sarado.

Sinabihan umano siya ng suspek na pumasok sa gate dahil kukunin umano nito ang asawang manganganak hang­gang sa sumulpot na ang dalawa pa sa mga suspect at tinutukan siya ng baril.

Agad na kinuha ng mga suspect ang wallet ng biktima   at hindi pa nasiyahan ay pina­baba siya saka tinangay ang kanyang taxi.

Sa puntong ito, humingi na ng tulong ang biktima sa pulisya hanggang sa ialarma ito sa DPIOU-ANCAR Mobile 183 na nagsagawa ng pagpa­patrulya sa may Visayas Avenue. Mula rito ay naispa­tan ng awtoridad ang isang taxi na humaharurot ng takbo sa may kahabaan ng Congressional Avenue hanggang sa habulin nila ito at sumalpok sa center island.

Sa pagsalpok ng taxi ay agad na nagsipagbabaan ang mga suspect dito kasabay na pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti naman ng putok ang mga awtoridad at maka­lipas ng ilang minutong pa­ litan ng putok ay idineklarang pa­tay ang mga suspect na nag­tamo ng mga tama ng bala sa kani-kanilang mga katawan.

Narekober sa lugar ang isang kalibre 357 paltik; isang kalibre 38 paltik na baril, at wallet ng biktimang si Villona.

Pinaniniwalaan ding ang mga suspect ang nambiktima sa dalawang lalakeng naka-motorsiklo sa isang pekeng checkpoint matapos magpa­kilalang mga alagad ng batas.

vuukle comment

AYON

BAGONG SILANG

BAHAY TORO

CONGRESSIONAL AVENUE

CRIMINAL IN

CULIAT TANDANG SORA

SHY

VILLONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with