3 holdaper timbog

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong holdaper matapos ang isi­nagawang pagsalakay ng mga ito sa isang pam­pasaherong jeep kaha­pon ng madaling-araw sa Pasay City.

Kinilala ang mga na­dakip na sina Marlon Cruz, 38; Rowell Olay, 32; at Niko Villaranda, 19.         

Ayon sa ulat, naga­nap ang insidente da­kong ala-1:45 ng mada­ling-araw sa panulukan ng Taft at Gil Puyat Ave­nue, Pasay City habang binabagtas ng isang pampasaherong jeep na may biyaheng Monu­mento ang nasabing lu­gar sakay ang mga bik­tima at mga suspect na nagpanggap na mga pasahero.

Ilang sandali pa at nag­deklara ng holdap ang mga suspect kung saan kinulimbat ang mga gamit at pera ng mga pasahero.

Dito naman nagsisi­gaw ang mga biktima na tumawag ng pansin sa nagpapatrulyang mga pulis at mga barangay tanod.

Mabilis na rumes­ponde ang mga pulis at tanod at nadakma ang mga papatakas na hol­daper. (Lordeth Bonilla)

Show comments