^

Metro

Curfew sa Maynila, pinaigting

-

MANILA, Philippines - Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng klase, inatasan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang Manila Police District (MPD) na mas paigtingin ang pag­pa­patupad ng curfew sa mga kabataan upang hindi masangkot sa mga rambulan at hindi kanais-nais na gawain.

Nais ng alkalde na hindi matulad ang mga kabataan sa isang insi­dente na napanood sa telebisyon, bagamat hindi sa Maynila, kung saan ang mga kabataang nag­kakatuwaan ay biglang nauwi sa rambulan hang­gang sa nasangkot pati ang kanilang mga naka­ta­tandang kapatid.

“Hindi na dapat pang hintayin na mangyari ang ganito sa Maynila kaya naman inaatasan ko ang pulisya na paigtingin ang pagpapatupad ng curfew hours bilang proteksyon sa mga kabataan,” giit ni Lim.

Umapela rin si Lim sa mga barangay official na tiyakin na wala nang pakalat-kalat na menor- de-edad simula alas-10 ng gabi hanggang alas- 4:00 ng madaling-araw na kadalasang oras de peligro.

Sa ipinatutupad na curfew o City Ordinance 8046, aarestuhin ng mga barangay officials at pulis ang mga lalabag dito at saka lamang iti-turn over sa kanilang mga ma­gulang o guardians at kung walang bahay o abandonadong kaba­ taan naman ay ikukos­tudiya sila ng Manila Youth Reception Center ng Manila-Social Wel­fare Department. (Ludy Ber­mudo)

CITY ORDINANCE

DAHIL

LUDY BER

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA YOUTH RECEPTION CENTER

MANILA-SOCIAL WEL

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with