^

Metro

Tricycle, pedicabs ban na sa mga main roads

-

MANILA, Philippines - Nagpalabas kahapon ng mahigpit na kautusan si MMDA Chairman Oscar Inocentes para sa   pagpapatupad sa 1990 Metro Manila Council (MMC) ordinance hinggil sa pagbabawal sa lahat ng tricycle at pedicab na dumaan at mamasada sa mga pangunahing lansa­ngan ng Kalakhang Maynila.

Sa isinagawang exe­cu­tive meeting ng mga opisyal ng MMDA, mari­ing inatasan ni Inocentes ang Traffic Operation Center (TOC) ng ahen­siya na magsagawa ng operasyon sa pamama­gitan ng pagdakip sa mga tricycle at pedicabs sa bisa ng 1990 MMC Ordi­nance Number 6.

Binalaan nito ang mga tsuper ng nabanggit na maliliit na mga behi­kulo, bukod sa papata­wan ang mga ito ng traffic violation ay i-impound ang mga ito ng 30 araw, kapag nadakip.

Nabatid na ang na­banggit na ordinansa ay inaprubahan ng 17 al­kalde ng Kalakhang May­nila noong 1990 upang maprotektahan ang ka­ligtasan ng mga tsuper ng mga tricycle at pedi­cabs, lalo na ang ka­nilang pasahero.

Kung saan noong si Makati City Mayor Jejo­mar Binay pa ang chair­man ng MMDA, naka­saad sa ordinansang ito ang 10 araw na pagkaku­long at multang P300.

Subalit kahit aniya ito ay pinatutupad ng MMDA ay hindi sumusunod ang mga tsuper kung kaya’t ayon kay Inocentes ay mahigpit nilang ipatu­tupad ngayon ang na­banggit na ordinansa sa buong Ka­lakhang May­nila. (Lor­deth Bonilla)

BINALAAN

CHAIRMAN OSCAR INOCENTES

INOCENTES

KALAKHANG MAY

KALAKHANG MAYNILA

MAKATI CITY MAYOR JEJO

METRO MANILA COUNCIL

SHY

TRAFFIC OPERATION CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with