Resto nilooban, sekyu pinaslang

MANILA, Philippines - Isang security guard ang pinaslang ng mga hinihinalang magna­nakaw na nagtangkang looban ang binabantayan nitong restaurant sa lungsod Que­zon, kaha­pon ng ma­daling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ronald Limbo, 38, ng Boac, Catanduanes at na­nunuluyan sa Kowloon House na matatagpuan sa Matalino St., Brgy. Central sa lungsod.

Ayon sa ulat, nakaga­pos ang mga kamay at na­ta­tapalan ng pack­aging tape ang bibig ng biktima at tadtad din ng saksak sa buong kata­wan nang ma­tag­puan ito ng mga emple­yado ng nasabing res­taurant.

Dagdag pa ng pu­lisya, pagnanakaw ang pakay ng mga salarin ngu­nit nabigo ang mga ito matapos na hindi ma­buksan ang vault ng na­sabing restaurant.

Natuklasan ang bang­kay ng biktima sa harap ng Kowloon House na ma­ta­tagpuan sa #20 Ma­talino St., sa lungsod ga­nap na alas-4:20 ng ma­daling- araw.

Ayon sa ulat, tanging si Limbo lamang ang bantay sa nasabing ka­inan nang mangyari ang insidente.

Sinasabing magpa­paalam na sanang umu­wi ang cook at mga waitress ng nasabing resto sa bik­tima, nang makita nila itong naka­handusay sa mis­mong pasukan ng mga em­pleyado habang naliligo sa sarili niyang dugo.

Patuloy pa rin ang isi­nasagawang imbestigas­yon sa nasabing insi­dente. (Ricky Tulipat)

Show comments