^

Metro

Suspects nagpanggap na mga aplikante: Engineer dinedo sa loob ng opisina

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang opisina ang isang 42-anyos na engineer at contractor nang pagsa­saksakin at paluin pa ng tubo sa ulo ng  apat na lalaking nagpang­ gap na mga aplikante, sa Sampaloc, Maynila, ka­hapon ng umaga.

Ilang minuto nang patay nang ma­dis­kubre ang nakahandusay na si Engr. Edwin Cosme, may-ari ng EA Cosme Contractor na matatagpuan sa 2101 Dapitan corner Ibarra Sts., Sam­paloc, sanhi ng mga saksak at palo sa ulo.

Hindi pa matukoy kung sinu-sino sa mga aplikanteng nagtungo sa opisina ng biktima ang responsable sa pagpa­tay at pagnanakaw dahil ma­rami umanong aplikante ang walang isi­numiteng biodata o anu­mang papeles.

Sa ulat ni Det. Jonathan Ruiz ng Manila Police District-Homicide Sec­tion, dakong alas-7:50 ng umaga nang ma­ganap ang insidente sa ika-2 pa­ lapag ng opisina ng bikti­ma. Karin­derya naman ang ibabang pa­lapag nito.

Sa pahayag ni Joan Pingol, 20, pa­mangkin ng biktima at food attendant sa karinderya, nagbabantay siya sa karinderya nang dumating ang isa sa staff ng biktima at nagtanong sa mga bakas ng dugo sa sahig kaya nagsi­akyat sila at doon natuklasang naka­­­­lug­mok sa lamesa ng kanyang opisina ang biktima.

Sinabi naman ni Gng. Teresa Cosme, asawa ng biktima, kumain umano ang apat na lalaki sa kanilang karinderya at matapos kumain ay umakyat upang mag-aplay ng trabaho.

Nasanay na umano sila sa mga aplikante na kumakain at umaakyat na lamang sa opisina ng biktima. Hindi rin umano nakikialam si Teresa sa operas­yon ng opisina ng biktima dahil tutok lang siya sa karinderya

Tatlong saksak ang nakita sa kata­wan ng biktima bukod pa sa matinding palo ng tubo sa ulo nito. Ilang gamit din umano ng biktima ang nawawala at ang bag ni Teresa na naglalaman umano ng salapi at mga alahas.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente upang matukoy kung sino ang posibleng gumawa ng krimen.

vuukle comment

BIKTIMA

COSME CONTRACTOR

EDWIN COSME

IBARRA STS

ILANG

JOAN PINGOL

JONATHAN RUIZ

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SEC

SHY

TERESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with