^

Metro

1,500 pamilya nawalan ng bahay sa sunog

-

MANILA, Philippines - Tinatayang 1,500 pamilya ang nawalan ng kanilang tirahan makaraang matupok ang nasa 300 kabahayan sa sunog na sumiklab sa isang squatters area sa tapat mismo ng istasyon ng bumbero kamakalawa ng gabi sa Samson Road, Caloocan City.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Virgilio Corsino buhat sa hinihinalang pagsabog ng isang tangke ng liquefied petroleum gas.

Tinuligsa naman ng mga residente ang mabagal na pag­kilos ng mga bumbero kahit na nasa tapat lamang ito ng kalsada. Sinabi pa ng iba na wala umanong tubig ang mga trak kaya hindi agad naapula ang apoy.

Ikinatwiran naman ng Caloocan Bureau of Fire Protection na naging maagap naman umano sila ngunit mahirap pasukin ang napakasikip na eskinita na dalawang tao lamang ang kasya. (Danilo Garcia)

CALOOCAN BUREAU OF FIRE PROTECTION

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

IKINATWIRAN

NAGSIMULA

SAMSON ROAD

SINABI

TINATAYANG

TINULIGSA

VIRGILIO CORSINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with