^

Metro

11 pasahero ng bus, hinoldap

-

MANILA, Philippines - Matinding takot ang dina­nas ng may 11 pasahero ng isang bus makaraang holda­pin ang mga ito ng tatlong armadong kala­lakihan na nagpanggap ding mga pasa­hero kamaka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, binabagtas ng Philip­pians Bus (TXW-575) at mina­maneho ni Rolando Elba, 42, ng Caloocan City ang ka­habaan ng EDSA dakong alas-7 ng gabi nang magdek­lara ng holdap ang mga suspect. Dito ay tinutu­kan ng baril at pa­talim ang mga biktimang pa­sa­hero habang nililimas ang ka­nilang mga pera at personal na gamit ng mga ito, tulad ng mga cellphone, mga alahas, ATM cards.

Dahil sa matinding takot, hindi nakapalag ang mga bik­tima sa mga suspek. Ma­tapos ang isinagawang pang­hohol­dap ay mabilis na nagsi­takas ang mga suspect ha­bang agad namang nagharap ng sumbong sa pulisya ang mga biktima. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DAHIL

DITO

LORDETH BONILLA

MATINDING

PASAY CITY

ROLANDO ELBA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with