Magkaibigan niratrat: 1 patay, 1 sugatan

MANILA, Philippines - Isang binata ang nasawi habang malubha namang nasugatan ang kaibigan nito nang sorpresang pagbabarilin ang mga ito ng isang kapit­bahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ni Chief Insp. Ben­jamin Elenzano, hepe ng CIDU ng Quezon City Police, ang nasawi na si Anthony Llever, 19; habang ang suga­tang biktima ay kinilalang si Anthony Vallera,  21, kapwa residente sa Saret St., Brgy. Batasan sa lungsod.

Tinutugis  naman  ng pu­lisya  ang nakatakas na  sus­pek  na si Jay-R Peñaloza,  26, ng Sitio Talanay.

Sa ulat ng pulisya, nang­yari ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa may Ka­gawad St., Sitio Talanay.

Diumano, naglalakad pa­pa­uwi ang mga biktima nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman sa St. Mathew hospital si Llever ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Si Valera na nagtamo naman ng tama ng bala sa katawan ay ginagamot nga­yon sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa pulisya, posib­ leng dating alitan ang motibo ng nasabing pamamaril na hang­gang ngayon ay kanila pang iniimbestigahan. (Ricky Tulipat)

Show comments