MANILA, Philippines - Hinikayat ng mga opisyal ng BF Homes Executive Village Homeowners Association Inc. ang Housing and Land Use Regulatory Board na resolbahin ang isyu at manatili ang pagkilala sa liderato ng lehitimong pangulo nito na si Virgilio Aris. Sa Urgent Motion na inihain sa HLURB, hiniling ng complainant na si Aris, isang negosyante, na huwag kilalanin si Jose Cailipan bilang bagong pangulo.
Nagreklamo si Aris laban sa siyam na opisyal ng Board of Directors dahil sa umano’y illegal na pag- papatalsik sa kanya sa pwesto nang walang due process at legal basis. Maging ang mga miyembro ng BF Homeowners Executive Village Association Inc. at United BF Homes Association Inc. ay nag-isyu na rin ng manipesto na nagsasabing patuloy nilang kikilalanin si Aris.