^

Metro

Parak inireklamo

-

MANILA, Philippines - Isang nagpapakila­lang Insp. Samonte at apat pang nakasibilyang tauhan ng Manila Police District-Station 2 ang inirereklamo dahil sa umano’y pagdakip nila sa 20 katao sa Ma­buhay Road 10 sa Tondo, Manila kamaka­lawa ng gabi nang walang kauku­lang dahilan.

Ikinabigla ng mga bik­tima ang pahayag ni Sa­monte na lumabag umano sila sa City Ordinance 5555 o va­grancy gayong nakatayo lang sila sa harap ng kanilang mga bahay nang arestuhin sila.

Kabilang umano sa ina­resto sina Dionisio Monreal Jr., Ricky Lim­piado, Mario Guevarra at Ricardo Burag.

Sinabi ng isa sa mga biktima na dinala sila sa tanggapan ni Samonte at, doon, hiningan sila ng tig-P700 kapalit ng ka­nilang paglaya. Walang nagawa ang mga biktima kundi magbigay ng pera.

CITY ORDINANCE

DIONISIO MONREAL JR.

IKINABIGLA

ISANG

KABILANG

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARIO GUEVARRA

RICARDO BURAG

RICKY LIM

SAMONTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with