3 grupo tukoy sa planong pagpapatakas kay Andal Jr.

MANILA, Philippines - Tatlong grupong kinabibi­langan umano ng ilang dating mga miyembro ng Philippine National Police, Moro Islamic Liberation Front at iba pang supporter ng pamilya Ampa­tuan ang nasa likod ng pla­nong pagpapatakas kay Datu Unsay Mayor Andal Ampa­tuan Jr. na kasa­lukuyang na­ka­­piit sa NBI detention cell sa Maynila.

Ito ang nabatid sa intel­ligence report na natanggap ng NBI batay sa pahayag kahapon ng tagapagsalita na si Atty. Ri­cardo Diaz.

Patuloy na iniimbestigahan ng NBI ang na­sa­bing mga grupo na sinasabing nagha­hasik ng pananakot kabilang ang bomb threat noong Biyer­nes na nagtangkang pasasa­bugin ang gusali ng NBI at Supreme Court at ang bomb scare sa mall ng Greenhills, San Juan City noong Enero 24.

Inaalam din nila ang pag­ka­kasangkot sa nasabing plot ng ilang militar.

Pansamantalang hindi idinetalye ang pagki­lanlan ng kanilang mga subject sa im­besti­gasyon.

Nilinaw ni Diaz na ang mga ulat na kanilang nata­tang­gap ay ukol umano sa pag­sasanib ng mga pwersa ng tatlong grupo dahil sa magkakaanak ang karamihan sa kanila.

Si Ampatuan ang pangu­nahing akusado sa pagpas­lang sa 57 katao sa Maguin­danao noong Nobyembre 23. (Ludy Bermudo)

Show comments