^

Metro

Lotto outlet nilooban

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa P63,000 ha­laga ng mga taya ang nata­ngay ng mga hindi pa nakikila­lang magnanakaw sa isang outlet ng Lotto na malapit lamang sa istasyon ng pulisya sa Brgy. Caniogan, Pasig City kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PO3 Harold Ma­naoil, imbestigador ng Pasig Police, dakong alas-9 ng umaga nang madiskubre ang panloloob sa Lotto outlet sa Mercedez Avenue, Brgy. Caniogan.

Nadiskubre ito ng isang empleyado nang pumasok sa trabaho. Agad namang iniulat ang insidente sa Pasig police station na may 200 metro lamang ang layo sa naturang lotto outlet.

Sa imbestigasyon, puwer­sa­hang sinira ng mga magna­nakaw ang dalawang mala­king kandado at saka tinangay ang buong maliit na kaha-de-yero na naglalaman ng pe­rang taya sa naturang outlet.

Nabatid na karamihan sa mga nagsitaya bago madis­kubre ang pagnanakaw ay tumaya sa Super Lotto 6/49 kung saan inaasahang lu­mobo na ang jackpot prize sa P120 milyon.

Patuloy namang nagsasa­gawa ng imbestigasyon at nag­hahanap ng mga saksi sa krimen ang pulisya upang ma­resolba ang krimen.

Hinihi­nalang isinagawa ang pagna­nakaw sa disoras ng madaling-araw kung saan halos wala nang tao sa kal­sada. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

CANIOGAN

DANILO GARCIA

HAROLD MA

HINIHI

MERCEDEZ AVENUE

PASIG CITY

PASIG POLICE

SHY

SUPER LOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with