Cameraman sugatan sa bundol ng taxi

MANILA, Philippines - Isang cameraman ng RPN-9 television ang malub­hang nasugatan nang mabun­dol ng isang taxi habang nagko-cover sa isang vehi­cular incident sa may Minda­nao Avenue, Quezon City kaha­pon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima na si Antonio “Tony” Ginturo, 45, may-asawa, tauhan ng RPN-9 at kasalukuyang ino­obser­bahan sa East Avenue Me­dical Center matapos ma­pin­sala ang ulo at katawan nito.

Ayon kay PO3 Andy Sotto ng Traffic sector 6 ng Quezon City Police, alas-11 ng umaga ay inilagay na sa inquest proceedings ang taxi driver na si Roel Labarete, 46, may-asawa, ng Concepcion Uno, Marikina City sa kasong reck­less imprudence resulting to serious physical injury at damage to property.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may overpass ng Mindanao Avenue pasado alas-3 ng madaling-araw.

Nauna rito, isang dump­truck (JRB-500) ang humam­balang sa nasabing kalsada dahil sa pag-angat ng loader nito sanhi upang ku­mal­so sa may nasabing over­pass.

Dahil nakatirik ang dump truck at nagdulot ng trapik, rumisponde si Ginturo para kunan ng shots ang naturang insidente.

Habang komokober ang biktima sa insidente, sumulpot naman ang Dollar taxi ((TXL-413) na minamaneho ni Laba­rete at mabundol nito ang una. Ayon kay Labarete, hindi niya napuna ang biktima dahil nakatingin siya sa nakaangat sa ere na drump truck habang minamaneho niya ang kan­yang sasakyan. (Ricky Tulipat)

Show comments