^

Metro

Ama itinumba sa harap ng anak

-

MANILA, Philippines - Nasaksihan ng isang 4-anyos na paslit ang pagbulagta ng kanyang ama nang barilin ng no­toryus na kapitbahay habang nagpapahangin sa hagdanan ng kanilang bahay sa Pandacan, May­nila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisalba sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Philip Bar­rien­tos, ng Ipil St., In­terior 16, Kahilum 1, Pan­dacan, Maynila sanhi ng dalawang tama ng bala sa dibdib.

Tinutugis naman ang suspek na si Amado Sta. Maria Jr., alyas “Eagle”, 27, miyembro ng Bahala na Gang at kapitbahay ng biktima na tumakas ma­tapos ang insidente.

Bukod sa suspek, ti­nu­tugis din ang ama nitong si Amado Sta. Maria Sr. na hinihinalang nagtago ng baril na ginamit sa krimen.

Sa ulat  ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Villanueva compound, sa hagdanan patungo sa 2nd floor sa bahay ng biktima.

Nagpapahangin la­mang ang biktima ha­bang nakaupo sa hag­danan at katabi ang 4-anyos na anak na lalaki nang lapitan at walang sabi-sabing barilin sa dibdib ng kapitbahay.

Kahit umano may tama na ay nagawa pang ikober ng biktima ang kaniyang katawan upang hindi mabaril ang paslit na anak at tiyem­pong du­mating naman si Amado Sr. na sumung­gab sa baril ng anak na suspek bago niyayang umalis na.

Inaalam pa kung ano ang ugat ng pagpatay. (Ludy Bermudo)

AMADO SR.

AMADO STA

BAHALA

IPIL ST.

LUDY BERMUDO

MARIA JR.

MARIA SR.

MAYNILA

PHILIP BAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with