^

Metro

Tindahan ng signal jamming device ni-raid

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sinalakay kahapon ng pinagsanib na puwer­sa ng mga tauhan ng Manila City hall at Manila Police District (MPD) ang tindahan ng signal jam­ming device sa Sta. Cruz at Binondo sa Maynila.

Bunsod na rin ito ng nakuhang mga im­por­masyon kung kaya agad na nakipag-ugnayan sina  MPD Station 3 chief, Supt. Nelson Yabut at MPD Station 11  chief, Supt. Rogelio Rosales kay Nelson Alivio, hepe ng  Bureau of Permits upang  pasukin ang Xing Sheng Enterprises  na matatagpuan sa 541 Florentino Torres St.

Isang Vicente Tan na namamahala ng tinda­han ang umamin na naka­pagbenta na sila ng ilang signal jammers. Hindi naman nakal­agay ang mga pangalan ng mga bumili ng  signal  jammers na isa ngayon sa mga ipupursige ng  mga  awtoridad.

Ayon kay Tan, dala­wang taon nang nasa kanila ang  nasabing de­vice subalit ngayon lamang ito nabili.

Sinabi naman ni Yabut na ang  pag­be­benta sa mga indibiduwal na hindi  inilagay sa resibo ang pangalan ay indi­kasyon  na posibleng magamit ito sa isang kahina-hinalang  operasyon.

Ang tindahan na pag­mamay-ari ng isang  Jose Li ay agad ding ipi­nasara ma­tapos na walang maipakitang business permit at walang permiso mula sa National Telecommunica­tions Com­pany (NTC).

Pinaniniwalaang uma­­abot sa 5,000 signal jamming device ang  na­ipasok sa bansa noong nakaraang linggo.

Nangangamba ang mga awtoridad na gami­tin ang nasabing device  sa pag-intercept ng mga cellphone signals maging ang pagpapa-antala ng  transmission ng resulta ng  automated elections sa Mayo.

BUREAU OF PERMITS

FLORENTINO TORRES ST.

ISANG VICENTE TAN

JOSE LI

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL TELECOMMUNICA

NELSON ALIVIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with