Rebelyon case ng mga Ampatuan, ni-raffle na
MANILA, Philippines - Nakapili na ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) ng hukom na hahawak sa kasong rebelyon na kinakaharap ng 25 na indibidwal kasama na ang mag-amang Andal Ampatuan Sr. at Zaldy Ampatuan.
Ayon sa raffle committee ng QCRTC, ang kaso ay napunta kay Judge Vivencio Baclig ng QCRTC Branch 77.
Magugunitang matapos masangkot ang pamilya Ampatuan sa Maguindanao massacre ay idineklara ni Pangulong Arroyo ang Martial Law sa lalawigan dahil sa mga ulat na pag-aaklas laban sa pamahalaan sa pangunguna diumano ng mga Ampatuan at ng mga kaalyado ng mga ito.
Bukod sa mag-amang Ampatuan ay kasama sa mga respondent sa kaso sina Maguindanao Vice Gov. Datu Akmad Tato Ampatuan, Shariff Aguak Mayor Datu Anwar Ampatuan, Datu Sajid Islam Ampatuan at labing- siyam pang indibidwal na kasabwat umano ng pamilya Ampatuan sa planong pag-aaklas sa gobyerno. Gemma Amargo-Garcia
- Latest
- Trending