2 German national, ipinatapon ng BI

MANILA, Philippines - Ipinatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigra­tion (BI) ang dalawang pu­ganteng German national na wanted sa kanilang bansa dahil sa iba’t ibang kasong kriminal.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Marcelino Libanan ni deportation unit head Antonio Rivera, kinilala nito ang mga dayuhan na sina Peter Uwe Muller, 45; at Joachim Heimrath, 58.

Ang dalawa ay pinatapon sakay ng Royal Dutch Airlines na magdadala sa kanila pa­tungong Amsterdam, Holland bago ibalik sa Frankfurt, Germany.

Ikinagalak naman ni Liba­nan ang pagpapatalsik sa dalawang pugante at iginiit na hindi  taguan ng mga kriminal  ang Pilipinas kayat nagbabala ito sa iba pang wanted na da­yuhan na hindi sila ligtas na magtago kapag dito sila sa bansa naglungga.

Ang pagkakaaresto kay Mueller at Heimrath ay base sa kahilingan ng German em­bassy sa Manila na siyang nag­bigay ng impormasyon sa criminal record ng dalawa sa BI. Si Mueller ay may kasong multiple counts ng pandaraya sa pamamagitan ng internet traiding sa korte sa Frankfurt,  habang si Heimrath ay wanted naman sa hindi pa mabatid na krimeng ginawa nito 20 taon na ang naka­karaan.

Ang dalawa ay maitu­ turing ding undocumented aliens ma­tapos na kan­selahin ng German govern­ment ang kanilang mga pasaporte. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments