^

Metro

2 milyon nalimas ng Dugo-dugo gang sa ginang

-

MANILA, Philippines - Nalimas ang halos 2 mil­yong halaga ng salapi at  alahas ng isang ginang ma­tapos na maloko ang kanyang katulong ng grupong Dugo-dugo gang sa lungsod Que­zon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay SPO2 Leonardo Pasco, ng QCPD-CIDU mata­gal nang nangyayari ang ganitong modus operandi kahit kabi-kabila ang paglabas nito sa mga dyaryo at telebis­yon ngunit marami pa rin ang nabibiktima dahil sa kawalan ng tiyaga ng mga employers na turuan ang kanilang mga katulong patungkol dito.

Tulad na lamang ng huling biktima ng grupo, ang maid ay nakilalang si Mary Anne Al­baniel, 19, kasambahay ni Perlita Tinagan, 45, ng Eme­rald St., Odalco Subdivision, Brgy. San Bartolome, Novali­ches sa lungsod na nakuha­nan ng nasabing halaga.

Si Albaniel ay inaresto ng awtoridad bunga na rin ng reklamo ni Tinagan hinggil sa pagkawala ng kanyang safe box na naglalaman ng $40,000, tatlong gold neck­laces (P45,000), dalawang wedding rings na aabot sa P20,000, isang gold ring (P10,000)  at mga importan­teng dokumento

Sa imbestigasyon, nang­yari ang insidente nitong Enero 28, 2010 matapos ma­ka­tanggap ng tawag sa tele­pono ang katulong buhat sa nagpakilalang amo niyang si Tinagan.

Sinabi umano ng babaeng caller na sugatan siya dahil na­sangkot ang kanilang sina­sakyan sa aksidente at na­ngangailangan ng pera para pambayad sa ospital. Inutu­san ng caller ang maid na kunin ang safety box sa ca­binet ng master’s bedroom at dalhin ito sa St. Dominic Hos­pital sa Bacoor, Cavite kung saan siya ginagamot.

Kasama ni Albaniel ang pamangkin ni Tinagan na si Ruby Jane nang kunin ang jewel­ry box matapos na ma­rinig ang nasabing aksidente. Nang makaalis na ang ka­tulong, agad na tineks ni Ruby Jane ang kanyang tita upang kumpirmahin kung inutusan nga nito ang katulong na kunin ang nasabing safety box.

Tumugon naman si Tina­gan ng hindi at papauwi na ito ng bahay kung saan pag­dating nito ay natuklasan na nawawala ang kahon sa cabinet. Agad nitong tinawa­gan ang katulong, na sumagot na nasa ospital na raw siya at ibinigay na niya ang kahon sa dalawang babae na nagpa­kila­lang kakilala niya. (Ricky Tulipat)

LEONARDO PASCO

MARY ANNE AL

ODALCO SUBDIVISION

PERLITA TINAGAN

RICKY TULIPAT

RUBY JANE

SAN BARTOLOME

SHY

SI ALBANIEL

TINAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with