^

Metro

Petron sumunod na rin sa rollback

-

MANILA, Philippines - Matapos magpatupad ng rollback ang mga maliliit na oil players, sumunod na rin ng roll­back sa kanilang produktong petrolyo ang Petron Corp. kahapon ng tanghali.Sa mensa­heng ipinadala ni Raffy Ledesma, taga­pag­salita ng Petron, ibinaba nila ng P.75 senti­mos ang kada litro ng diesel at kerosene na epektibo mula alas-12 ng tanghali nitong Lunes. 

Wala namang naging paggalaw sa presyo ng kanilang gasolina. Bunsod umano ito ng patuloy na paggalaw at pagbaba sa presyo ng krudo sa internasyunal na merkado na dapat salaminin ng kanilang lokal na presyo.

Matatandaan na nitong Linggo, nagpatupad ng pagbaba ng presyo ang Flying V at Sea Oil. Nasa P.75 rin ang ibinaba sa halaga ng diesel at P.50 sentimos naman sa halaga ng kada litro ng gasolina.

Habang isinusulat ito ay hindi pa rin nagpa­patupad ng rollback ang dalawa pa sa Big 3 sa bansa na Filipinas Shell at Chevron Philip­pines. (Danilo Garcia)

BUNSOD

CHEVRON PHILIP

DANILO GARCIA

FILIPINAS SHELL

FLYING V

NASA P

PETRON CORP

RAFFY LEDESMA

SEA OIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with