DAGDAG SEGURIDAD: CCTVs ikakalat sa NBI
MANILA, Philippines - Bukod sa dobleng paghihigpit, naglagay na rin ng closed circuit television (CCTV) monitors bilang bahagi ng karagdagang seguridad sa headquarter’s compound ng NBI sa Taft Avenue, Maynila.
“We installed these CCTVs during the weekend, as a trial first. We also added security personnel,” ani Head Agent Noel Morales, hepe ng NBI-Security Management Division (SMD).
Isa sa CCTV camera ay inilagay sa main gate sa Taft Ave. side, habang ang isa ay sa detention area compound ikinabit habang ang monitor ay nasa tanggapan ni Morales at isa pang monitor sa tanggapan naman ni Head Agent Ruel Lasala.
Aniya pa, ang aksiyon ay bilang paghahanda na hindi malusutan matapos ang report na may bantang pasabugin ang NBI at Korte Suprema noong Enero 31, 2010. Batay ito sa coded message sa nakuhang grenade rifle sa Greenhills, San Juan City noong nakaraang linggo upang takutin ang NBI na maipalipat sa mas accessible na pasilidad si Andal Ampatuan Jr. na sangkot sa madugong masaker sa Maguindanao para maitakas.
May kapasidad na 360-degree angle ang CCTV na kayang imonitor ang Taft Avenue hanggang sa Supreme Court building na katabi nito.
Apat pang karagdagang CCTV ang ikakabit na kanilang pang hinihintay. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending



















