^

Metro

Masamang tumitig, itinumba

-

MANILA, Philippines - Isang nursing student na napagbintangang masamang tumitig ang pinagbabaril hanggang mapatay ng isa sa anim na lalaking kumom­pronta sa kanya sa Barangay Damayan, San Francisco del Monte, Quezon City kamaka­lawa ng gabi.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktimang si Mar Jove Beltran, 24 anyos, estudyante ng Arellano University at resi­dente ng Teachers Village sa Quezon City.

Natukoy naman ang sus­pek na bumaril kay Beltran na si Roberto Santos, alyas Obet, ng # 7 Santos St., Brgy. Damayan at itinuturing na lider ng grupo kasama ang mga alyas na Botchok, Fetus, Peke, Cloyd, at Boyong na nga­yon ay tinutugis na ng pulisya.

Ayon kay PO2 Hermo­genes Capili, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Wilson St., Barangay Damayan bandang alas-11:00 ng gabi.

Nakikipag-inuman si Beltran sa kanyang mga kaibigan nang dumating ang mga suspek, nilapitan siya bago isa sa mga ito ang nag­sabing “Yan, yung masamang tumitig.”

Kasunod nito, bigla na lamang binubog ng mga sus­pek si Beltran hanggang sa bumunot ng baril si Obet at pinagbabaril ang biktima.

Matapos isagawa ang krimen, sabay sabay na uma­lis ang mga suspek sakay ng dalawang tricycle na ang isa ay may tatak na Damapatoda na pawang for registration. (Ricky Tulipat)

ARELLANO UNIVERSITY

BARANGAY DAMAYAN

BELTRAN

MAR JOVE BELTRAN

OBET

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

ROBERTO SANTOS

SAN FRANCISCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with