^

Metro

Gang war sa Tondo, tututukan

-

MANILA, Philippines - Inilunsad na ng Manila Police District (MPD) ang malawakang operasyon laban sa mga gang ng kabataan dahil na rin sa patuloy na pag­sasagupa at dalang kagulu­han ng mga ito sa mga lugar sa Tondo, Manila.

Ayon kay Supt. Ernest Tendero ng MPD Station 6, ipinag-utos na niya sa kan­yang mga tauhan ang ma­higpit na pagpapatrulya sa kanilang nasasakupan parti­kular na sa gabi at sa bagong “hot spot” ng lugar sa pa­nulukan ng Masangkay at Severino Reyes, Sts. sa Bambang, Tondo dahil na rin sa walang patid na pagra­rambulan ng magkakalabang grupo ng mga kabataan.

Iniiwasan umano ng mga awtoridad na lumala pa ang away makaraang mapabalita na malalakas na kalibre na ng baril at ilang mga “pengun” ang gamit ng mga magka­away na grupo.

Nagbabala naman si Tendero sa mga kabataan na miyembro ng mga gang na kaagad silang aarestuhin at ipakukulong sa sandaling ipagpatuloy nila ang gulo sa nasabing mga lugar.

Nangangamba rin ito na posibleng madamay ang ibang sibilyan sa lugar sa sandaling sumiklab ang gang war dito. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

BAMBANG

ERNEST TENDERO

GEMMA AMARGO-GARCIA

INIIWASAN

INILUNSAD

MANILA POLICE DISTRICT

SEVERINO REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with