^

Metro

Driver, patay sa sumpak ng vendor

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 22-anyos na tricycle driver   makaraang barilin ng  sumpak ng isang vendor  sa Quezon City, ka­ma­kalawa  ng gabi.

Kinilala  ni P/Supt. Crisos­tomo  Mendoza, hepe  ng  Batasan Police Station  6  ang biktima na si Jonard Garga­nera, ng   Katuparan St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Si  Garganera ay nama­tay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center (EAMC) dahil  sa tina­mong mga tama  ng bala  sa katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang tumakas na suspek  na si Onya Caimpre, 22, fish ball vendor at resi­dente  ng Everlasting St., Pa­yatas, Quezon City.

Base  sa  report, pasado alas-8:30  ng gabi nang ma­ganap  ang krimen  sa kaha­baan ng Everlasting St. sa nasabing  Barangay.

Nagpapasada  umano ang  biktima ng kanyang tri­cycle nang biglang harangin ng suspect at walang sabi-sabing tinira ito ng sumpak  sa  katawan. Hindi naman ma­linaw kung ano ang motibo sa isina­gawang krimen. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BATASAN POLICE STATION

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EVERLASTING ST.

JONARD GARGA

KATUPARAN ST.

ONYA CAIMPRE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with