^

Metro

Driver ng van na nakapatay sa Ateneo pupil, kinasuhan din ng carnapping

-

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng pagnana­kaw ng isang balikbayan sa Quezon City Prosecutor’s Office ang babaeng driver na nakapatay sa isang 10-anyos na pupil ng Ateneo Grade School noong Pebrero 24, 2009.

Sa dalawang-pahinang reklamo sa korte  ni Virginia Ibali, 54, American citizen ng Pasuquin, Ilocos Norte at may bahay din sa San Francisco del Monte, QC, sinabi nitong ninakaw sa kanya ng akusa­dong si  Ma. Theresa Songco Torres ang kanyang  van na gamit ng akusado nang ma­bangga ang batang si  Juan Carlo Miguel “Amiel” Alcan­tara sa naturang paaralan.

Sa ngayon ay naka-pend­ing ang kasong reckless im­pru­dence resulting to homi­cide at physical injuries laban kay Torres sa korte dahil sa pagka­ matay ng batang si Alcantara.

Sinabi ni Ibali na nakita niya sa news sa TV noong Marso 2, 2009 habang siya ay nasa probinsiya ang insi­dente at dito nalaman na ang kan­yang van  na isang Toyota Hi-Ace  2000 model  na may pla­kang  CRW 705 ang sangkot sa aksidente at minamaneho ni Torres.

Ayon pa kay Ibali, huli niyang nakita ang kanyang van noong Enero 20, 2009 nang iwan sa kanyang bahay sa Quezon City at noon lamang niya huli itong na­gamit sa Metro Manila.

Sinabi ni Ibali na hindi niya ibi­nebenta ang kanyang sa­sakyan at wala siyang per­miso na gamitin ito ni Torres ang kanyang sasakyan at noon ay nalaman na lamang sa mga kapitbahay niya na wala ang sasakyan sa kan­yang bahay sa Quezon City.

Sa ngayon anya, nakapa­ngalan pa rin sa kanya ang sa­sakyan na nasangkot sa aksidente batay sa tala ng Land Transportation Office.

Anya, naireklamo na niya sa Ilocos Norte Police ang pag­kawala noon ng kanyang sasakyan, gayundin sa QC police noong nakaraang taon.

Ang kanyang van ay naka-impound sa QC police sa ka­salukuyan. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ATENEO GRADE SCHOOL

IBALI

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE POLICE

JUAN CARLO MIGUEL

KANYANG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with