^

Metro

Trader nilooban, P3-M alahas tangay

-

MANILA, Philippines - Nalimas ang may P3 milyong halaga ng mga alahas ng isang negos­yante matapos looban ang bahay nito sa lung­sod Quezon City, iniulat kaha­pon. Ang biktima ay naki­lalang si Rodolfo Gutierrez, 81, residente sa East Maya St., Brgy. Philam Homes.

Ayon kay Gutierrez, nawawala ang kanyang lisensyadong kalibre 38 baril at ilang pirasong alahas na may kabuuang halagang P3 milyon. Si­nabi ng biktima, nagising siya ng alas- 6 ng umaga at nagpunta sa master’s bedroom ng bun­galow at doon nadis­kubre na ma­gulo ang mga kasang­kapan dito.

Sinasabing tanging si Gutierrez at ang live-in-partner na si Deborah, 41, ang nakahimpil sa na­sabing bahay. Pero na­tutulog ang mga ito sa ibang kuwarto dahil sa pinagagawa nila ito. Ayon kay Gutierrez, nang si­mulan niyang tsekin ang cabinet ay saka nalaman na nawa­wala na ang nasabing mga gamit.

Sinasabing ang bin­tana ng kuwarto ay bukas gayundin ang harap ng pintuan ng nasabing bahay na pinanini­wa­laang pinagdaanan ng mga salarin. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Ricky Tulipat)

AYON

BRGY

EAST MAYA ST.

NALIMAS

PHILAM HOMES

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

RODOLFO GUTIERREZ

SHY

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with