^

Metro

Political meeting binulabog ng amok

-

MANILA, Philippines - Nabulabog ang pag­pu­pulong ng ilang poli­tiko sa lungsod Quezon, matapos na isang lalake na nagpaki­lalang bodyguard uma­no ng isang konsehal ang nag-amok at nag­paputok ng kan­yang baril dito kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay Superintendent Crisostomo Men­­doza, hepe ng QCPD-Sta­ tion 6, dahil dito, may ilang tahanan ng mga residente ang nagka­butas-butas, su­balit wala namang ini­ulat na na­saktan sa na­sabing pag­­papa­putok.

Kinilala ang suspek na si Melchor Tugade, 48, ng Kalayaan B, Ba­ta­san Hills na nahaha­rap ngayon sa patung- patong na kasong alarm scandal, illegal possession of firearm, illegal discharge of a firearm, direct assault of a person in authority at pagla­bag sa Omnibus Election Code.

Ayon kay Mendoza, si Tugade ay nagpa­kilalang bodyguard ni Councilor Allan Francisco ng 2nd district, pero giit ng opisyal ay posibleng ginagamit lamang ang konsehal ng suspek dahil lasing ito ng madakip.

Ayon sa ulat, nang­yari ang insidente sa may Batasan Hills, Brgy. Payatas ganap na alas-8:30 ng gabi ha­bang sina Councilor Winnie Castelo ng 2nd district at mga suporters ay nagmi-miting sa covered court dito.

Sinasabing naka­takda sanang magsalita sa nasabing meeting si Liberal Party-QC Vice Mayoralty candidate Joy Belmonte.

Si Tugade na nanini­rahan sa nasabing lugar ay biglang lumabas na armado ng isang improvised pistol na puno ng bala at biglang nagpa­pu­tok sa ere, at minsan ay iniuumang din ang baril sa mga residente.

Ilang sandali, duma­ting ang mga rumes­pondeng barangay opis­yal sa lugar, ngunit na­bigo umano ang mga itong patigilin si Tugade sa pagpapaputok ng baril.

Sa pagkakataong ‘yon, si Castelo at kan­yang mga suporters ay na-trapped sa loob ng covered court at hindi magawang makalabas dahil sa komosyon.

Ayon kay Mendoza, maging si Joy ay hindi na nagawang maka­punta sa nasabing lugar dahil sa nasabing pang­yayari.

Nang dumating ang mga rumespondeng pulis, tinangka pa uma­nong manlaban ni Tu­gade ngunit mabilis din itong napigilan at dinala sa na­ sabing himpilan. Nare­kober dito ang isang pal­tik na pistola na may tat­long bala ng M-16 arma­lite rifle. (Ricky Tulipat)

AYON

BATASAN HILLS

COUNCILOR ALLAN FRANCISCO

COUNCILOR WINNIE CASTELO

JOY BELMONTE

KALAYAAN B

LIBERAL PARTY

MELCHOR TUGADE

MENDOZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with