^

Metro

Graduates na jobless, kakalingain ni Joy B

-

MANILA, Philippines - Kakalingain ni Quezon City Vice Mayoralty candidate Joy Belmonte ang mga nagsipagtapos sa lung­sod na hanggang sa ngayon ay wala pang nakikitang tra­baho.

Ayon kay Belmonte, bukas ang tanggapan ng Ilaw ng Bayan Foundation at QC Ladies Foundation para sa mga nagsi­pagtapos na taga-QC ng alin­mang kurso upang mabigyan ang mga ito ng pagkakataong kumita batay sa kanilang napag- aralan at kakayahan.

Alam niya umano na sa ngayon ay tumaas ang bilang ng graduates na walang maku­hang tra­baho dahil sa tindi ng kom­pe­tisyon. Idagdag pa rito na marami talaga ang mga nag­sarang kom­panya at pab­rika.

“Puwede natin silang gawing tutor, puwede rin natin silang patulungin sa mga health centers at sa iba pang gawain sa QC hall at maaaring hingin natin sa city government ang allowance nila”, pahayag pa ni Joy.

Bukod dito, maaari din anyang mabigyan ng ka­alaman ang mga ito na gu­mawa ng ilang livelihood projects tulad ng paggawa ng sabon, bags, sausages, cakes at iba pa para ma­kapagsimula sa isang maliit na negosyo sa tulong ng naturang mga foundation na kanyang pinanganga­siwaan.

Ang hakbang ay ba­hagi ng kampanya ni Joy Bel­monte na maiangat ang kabuhayan ng mga taga-QC lalo na ang mahi­hirap. (Angie dela Cruz)

ALAM

ANGIE

AYON

BAYAN FOUNDATION

JOY BEL

JOY BELMONTE

LADIES FOUNDATION

QUEZON CITY VICE MAYORALTY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with