^

Metro

Tsinoy sa Bilibid, nasamsaman ng droga

-

MANILA, Philippines - Nabulgar ngayon ang patuloy na operasyon ng mga sindikato ng ilegal na droga sa loob ng National Bilibid Prison makaraang makumpiska ang nasa 30 gramo ng shabu sa isang Tsinoy na nahatulang makulong dahil sa kaso sa droga.

Kinilala ni Bureau of Correction (BuCor) Director Oscar Calderon ang Tsinoy na si Peter Co, nakaditine sa maximum security compound ng NBP ng halos 10 taon.

Nabatid na nagsagawa ng sorpresang inspeksyon si Calderon sa maximum security compound kung saan na­diskubre sa pamamagitan ng K-9 sniffing dogs ang may 30 gramo ng hinihinalang shabu sa Selda 2-D sa Building 8 kung saan nakaditine si Co kasama ang iba pang preso na sangkot sa ilegal na droga. Nabatid din na nabisto ang nagaganap na pot session sa mismong brigada ni Co.

Bukod kay Co, anim pang Tsinoy na hindi muna binang­git ang pangalan ang nakum­piskahan din ng may iba’t- ibang timbang ng hinihinalang shabu sa Building 5-A at Building 2.

Napag-alaman na uma­abot sa 11,000 preso ang mga nakapiit sa maximum security compound kung saan 111 ay pawang mga Tsinoy, habang 182 naman ang mga banyaga na karamihan ay nahatulan sa kasong may ka­ugnayan sa ilegal na droga.

Tiniyak naman ni Calderon na may mga ulong gugulong sa malawakang balasahan sa hanay ng mga jail guard sa maximum security compound dahil na rin sa kanilang kapa­bayaan o posibleng pagkun­sinti sa mga bilanggo para makapagpatuloy sa ilegal na gawain.

Mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga jail guard na mapapa­ tunayang sangkot o nagbibi­gay ng proteksiyon sa mga nag­pupuslit ng illegal na droga sa loob ng NBP. (Danilo Garcia)

BUKOD

BUREAU OF CORRECTION

DANILO GARCIA

DIRECTOR OSCAR CALDERON

NABATID

NATIONAL BILIBID PRISON

PETER CO

SHY

TSINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with