^

Metro

5-anyos lunod sa Pasig river

-

MANILA, Philippines - Patay na nang makita ng kanyang amain ang 5-anyos na batang lalaki na hinihinalang aksidenteng nahulog sa Ilog Pasig habang naglalaro sa gilid nito sa bahagi ng Sta.Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni C/Insp Erwin Margarejo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si Mariapol Biazon, nakatira lamang sa gilid ng Muelle Del Banco National, Sta Cruz, Maynila.

Dakong alas-5:30 na ng umaga kahapon nang makita na lamang na lumulutang ang bangkay ng biktima sa Pasig River sa tapat ng Muelle del Banco National sa Sta Cruz, Maynila.

Sa naging pahayag ni Johnny Tupas, amain ng biktima, buhay pa ang kaniyang inaalagaan dakong alas-8:00 ng gabi at naglalaro sa gilid ng ilog subalit nakatulog umano siya at pagkagising ay hinanap niya ang bata kung saan nakita niya ito na lumulutang na sa nasabing ilog.

Ipinaalam niya ang insidente sa Barangay 303, Zone 29, na nagparating ng ulat sa pulisya. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BANCO NATIONAL

ILOG PASIG

INSP ERWIN MARGAREJO

JOHNNY TUPAS

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIAPOL BIAZON

MAYNILA

MUELLE DEL BANCO NATIONAL

STA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with