^

Metro

Ivler swak na sa Quezon City jail

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Didiretso sa Quezon City jail si Jason Ivler paglabas na paglabas nito sa paga­mutan.

Ito ay makaraang apru­ba­han ni QC -RTC Judge Alex­ander Balut ng Branch 76 ang petis­yon ng National Bureau of Investigation (NBI) na agad mailipat sa ku­lungan si Ivler sa oras na umayos na ang lagay nito.

Si Ivler ay kasalukuyan pa ring ginagamot sa Quirino Memorial Medical Center makaraang tamaan ng bala matapos na manlaban sa mga ahente ng NBI na uma­resto sa kanya sa bahay nito sa Blue Ridge sa Que­zon City.

Pinasalamatan naman ng NBI ang desisyon ng korte hinggil dito.

Kaugnay nito, inatasan ng korte ang mga doktor sa QMMC na magsumite ng medical report ni Ivler sa loob ng limang araw para malaman ang kondisyon nito sa kasalukuyan.

Samantala, itinakda na rin ng QC-RTC ang pag­basa ng demanda laban kay Ivler sa darating na Pebrero 9 sa sala ni Judge Balut.

Ito ay upang bigyan pa ng sapat na panahon si Ivler para makapagpagaling sa kanyang tinamong sugat.

Si Ivler, 28 ay sinasabing nasa likod ng pamamaslang kay Renato Victor Ebarle Jr., anak ni Presidential Under­secretary Renato Ebarle Sr. noong Nobyembre 18, 2009 dahil sa away sa trapiko.

BLUE RIDGE

IVLER

JASON IVLER

JUDGE ALEX

JUDGE BALUT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PRESIDENTIAL UNDER

QUEZON CITY

SHY

SI IVLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with