^

Metro

Ivler ilang araw pa sa ospital

-

MANILA, Philippines - Mananatili pa ng ilang araw sa ospital si Jason Aguilar Ivler upang tuluyang gumaling ang sugat na na­tamo nito sa kanyang ka­tawan.

Ito ang sinabi ni Dr. Fernando Lopez, head ng Quirino Memorial Medical Center surgery department, dahil sa apektado pa umano ang sugat sa likod na iniinda ngayon ni Ivler.

Ayon kay Lopez, medyo infected pa anya ang sugat na pinaglabasan ng bala sa likod ni Ivler kaya kailangan pa ng ilang araw na pagsu­suri o gamutan para tulu­yang matiyak na magaling na ito.

Iginiit ni Lopez na ina­asahan na ang matagal pang pananatili ni Ivler sa ospital dala na rin ng sugat na taglay nito matapos ang madugong pakikipaglaban nito sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation kamakailan.

Samantala, kaugnay na­man sa posibleng paglipat kay Ivler sa ibang ospital, ayon kay Lopez, ang ga­nitong isyu ay depende anya sa otoridad at sa magulang ni Ivler.

Si Ivler ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Renato Ebarle Jr., anak ni Malacañang Undersecretary Renato Ebarle Sr., noong Nobyembre 18, 2009. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

DR. FERNANDO LOPEZ

IVLER

JASON AGUILAR IVLER

LOPEZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

RENATO EBARLE JR.

RICKY TULIPAT

SHY

SI IVLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with