^

Metro

Nakasira ng dingding, pinatay

-

MANILA, Philippines - Isang 17-anyos na delivery boy na si Argie Gumban ang nasawi nang bugbugin ng isang miyembro ng isang gang at pagsasaksakin naman ng may-ari ng isang barung-barong sa Manuyo 2, Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Dante Justo, 35, residente rin ng Delta Ext., makaraan ang ginawang pananaksak, bitbit ang ginamit na patalim.

Naglalakad si Gumban pauwi sa kanyang bahay nang makaenkuwentro niya ang ilang kabataang miyembro umano ng isang gang. Pinagtulungang gulpihin ang biktima na napasandal sa isang barung-barong sanhi upang bahagyang mawasak ito.

Nagpulasan naman ang grupo ng kalalakihan nang magresponde ang mga barangay tanod. Dito na lumabas si Justo na tanging ang biktima na lamang ang inabutan at siyang pinagdiskitahan nito nang saksakin ng dala niyang patalim. (Danilo Garcia)

ARGIE GUMBAN

DANILO GARCIA

DANTE JUSTO

DELTA EXT

DITO

GUMBAN

ISANG

LAS PI

MABILIS

MANUYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with