^

Metro

Nutrisyon ng mga bata tututukan ni Joy B

-

MANILA, Philippines - Marami sa mga mahihirap na kabataan ang nakakaranas ng malnutrisyon bunga na rin ng kawalan ng sapat na suplay ng pagkaing naibibigay ng kanilang mga magulang sa lungsod Quezon.

Ang kawalan ng maayos na trabaho ang pangunahing prob­lema ng mga mahihirap na resi­dente upang mapunan ang pa­nga­ngailangan ng kanilang mga anak sa pagkain na siya namang nagi­ging ugat para makaranas ng malnutrisyon ang maraming kabataan.

Kaya naman, bilang mamamayan sa lungsod, tututukan ni Vice Mayoralty candidate Joy Belmonte ang nasabing problema upang mapanatili ang maganda at maayos na pamumuhay ng itinuturing na maralitang pamilya sa lungsod.

Ayon kay Belmonte, bagaman nakakatulong ang mga feeding program sa mga batang maralita para maibsan ang malnutrisyon, mas higit na kailangan ang mabigyan ng pagkakakitaan ang kanilang mga magulang para masuportahan ang pangangailangan nila sa pagkain.

Ang pagkain sa tatlong beses isang araw anya ang kaila­ngan ng bawat pamilya kaya, kung mayroong sapat na kinikita ay katumbas na rin umano ito sa pagkakaroon ng magandang pamumuhay na higit kailangan ng bawat isa.

Sinabi pa niya na dati nang prioridad ng lokal na pamahalaan ang kalusugan ng bawat bata sa lungsod kaya naman nakikiisa siya sa pagpupursigi nito upang makitang ang mga bata ay masigla at maayos na nakakapaglaro ng walang anumang dinadalang problema sa kanilang kalusugan. (Ricky Tulipat)

AYON

BELMONTE

JOY BELMONTE

KAYA

MARAMI

QUEZON

RICKY TULIPAT

SHY

VICE MAYORALTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with