^

Metro

Apo ng LTO chief tinodas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang umano’y apo ni Land Transportation Office Chief Arturo Lomibao ang namatay nang paulanan ng bala ng isa sa dalawang armadong kalalakihan sa harap mismo ng kanyang mga barkada sa Barangay Kaunlaran, Project 4, Que­zon City kahapon ng ma­daling-araw.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan at binawian ng buhay sa Quirino Memorial Medical Center ang biktimang si Joselito Lomi­bao Gubatan, 29, binata, construction worker ng # 7 3rd Planas St., Barangay Kaunlaran.

Bukod kay Gubatan, isang kaibigan nitong si Alberto Florentino, 29, ng nasabi ring lugar, ang su­ga­tan matapos tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang paa.

Nakilala ang mga salarin na sina Bong Rodriguez, 37, isa umanong engineer at isang alyas Ryan na mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may harap ng isang tahanan sa # 9 3rd St. pa­sado alas-2:00 ng madaling-araw.

Masayang nakikipag­kuwentuhan si Gubatan, Florentino at iba pang ka­ibigan nang dumating ang mga suspek na armado ng baril.

Agad na nilapitan ni Rodriguez ang biktima saka pinagbabaril ito habang nagsilbing look out naman si Ryan.

Wala namang nagawa ang mga kaibigan ng biktima sa pangambang sila naman ang paputukan kung saan matapos ang pamamaril ay agad na nagsipagtakas ang mga suspek.

ALBERTO FLORENTINO

BARANGAY KAUNLARAN

BONG RODRIGUEZ

GUBATAN

JOGENE HERNANDEZ

JOSELITO LOMI

LAND TRANSPORTATION OFFICE CHIEF ARTURO LOMIBAO

PLANAS ST.

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with