Tax collection ng Quezon City tumaas
MANILA, Philippines - Tumaas ng mahigit P800,000 ang iniangat na kolek siyon ng buwis noong 2009 sa Quezon City matapos na makakulekta ng P10.8 bilyon kumpara noong 2008.
Ayon kay QC Treasurer Victor Endriga, ang pagtaas ng koleksiyon ng lungsod ay dahil na rin sa agresibo at epektibong hakbang na ipinatupad ni Mayor Feliciano Belmonte Jr. gaya ng pagpapaganda sa mga business holding area, pag-aalis sa mga fixers at pagpapahaba sa oras ng mga cashiers upang makapagbayad ang mga tax payers sa kanilang kumbinyenteng oras.
Aniya, may kabuuang P3.45 bilyon ang nakulekta sa business tax ng lungsod, kumpara sa P3.19 noong 2008 o pagtaas ng P268.5 milyon koleksiyon.
Dahil dito, nabayaran ng pamahalaang lungsod ang mga iniwang utang ng nakaraang administrasyon kung saan ang pinakabago ay ang P33 milyong arrears sa premium payment sa Government Service Insurance System ng mga empleyado nito simula noong 1997.
- Latest
- Trending