^

Metro

Traffic violator huhulihin na lang ng MMDA sa CCTV

-

MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Metropolitan Manila Development Authority ang muling pagpapatupad ng “No Physical Contact Policy” o pagdakip sa isang driver na lumabag sa batas-trapiko nang hindi na ka­ilangang kumpiskahan ng lisensiya at maiiwas ang mga ito sa pangongotong ng ilang traffic enforcer.

Sinabi pa ng MMDA na sa pamamagitan ng mga nakakabit na digital and closed circuit television cameras sa mga pangu­nahing lansangan ng Ka­lakhang Maynila, malala­man kung sinu-sinong mga motorista ang lumabag sa batas trapiko.

Hindi na kailangang pun­tahan pa ito ng enforcer para kunin ang lisensiya.

Padadalhan na lang ng notice ang motoristang lumabag sa batas trapiko kapag nakita ito sa cctv.

Kapag ang isang violator ay hindi tumugon sa kanyang naging paglabag, maitatala ito sa Land Transportation Office at hindi siya makaka-renew o makakakuha ng lisensiya kapag may record siya sa MMDA.

Sa pamamagitan ng traffic scheme na ito, mai­iwasan ang pangongotong ng ilang tiwaling enforcer at malalaman din ang ahen­siya kung sino sa tauhan nila ang gumawa ng ka­tiwalian.

Matatandaan na noong Hulyo 23, 2009 unang ipinatupad ang NPCP traffic scheme sa ilalim ng pa­mumuno ni dating MMDA Chairman Bayani Fer­nando kung saan nag­ka­roon ito ng 90 araw na dry-run. (Lordeth Bonilla)

CHAIRMAN BAYANI FER

HULYO

INAPRUBAHAN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LORDETH BONILLA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NO PHYSICAL CONTACT POLICY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with