Ex-WPD men sinisi sa Mendiola massacre
MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni People’s Movement Against Poverty Secretary General Ronald Lumbao na dapat sisihin at panagutin ang mga matataas na opisyal ng Western Police District na nanunungkulan pa nang maganap ang Mendiola massacre noong Enero 22, 1987.
Ginawa ni Lumbao ang panawagan bilang pakikiisa sa pamilya ng 13 magsasakang nasawi at ng iba pang nasugatan sa pamamaril na naganap sa isan g rally sa Mendiola (Don Chino Roces Bridge ngayon) malapit sa Malacañang kaugnay ng paggunita sa naturang masaker kahapon.
Sinabi ni Lumbao na nararapat lamang ng mga biktima ang hustisya.
Kailangan anyang habulin at sisihin ang mga opisyal ng WPD (Manila Police District ngayon) nang panahong iyon.
Magugunitang matapos ang naturang trahedya ay binuo ng yumaong dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino ang Citizens’ Mendiola Commission.
At sa naturang im bestigasyon, inirekomenda ng CMC ang pagsampa ng P6.5 Million damage suit laban sa ilang opisyal ng pulisya at militar.
- Latest
- Trending