^

Metro

Kelot iniwan ng lover, nagbigti

-

MANILA, Philippines - Nakabigti at wala nang buhay nang madis­kubre ng isang kapit­bahay ang isang 26 anyos na lalaki makara­ang layasan ito ng kina­kasama nito sa inuupa­han nilang silid sa Malate, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala sa ulat ni C/ Insp. Erwin Margarejo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang bik­tima na si John Paul Magayores, helper at re­sidente ng 782 P. Gil St., Malate.

Nadiskubre lamang na patay na ang biktima dakong alas-5:30 ng hapon nitong Huwebes ng isang kapitbahay.

Ayon kay Margarejo, sinabi ng kapitbahay na noong Biyernes ng gabi ay nakita pa ang biktima na nakikipagtalo sa kan­yang live-in partner na hindi rin pinangalanan,

“Narinig nung kapit­bahay na parang may pagtatalo yung dalawa hanggang sa itong babae raw ay nag-alsa balutan at lumayas papuntang Marinduque,” ani Mar­garejo.

Kinabukasan, naisi­pan ng nasabing kapit­bahay na alamin kung ano ang nagyari sa pag-aaway dahil hindi na lumabas ng bahay sa maghapon ang biktima.

Matapos umano ka­tukin ng paulit-ulit ay walang sumasagot at nakakandado ang loob ng kuwarto ng biktima kaya pwersahan uma­nong binuksan ng kapit­bahay ang pintuan at doon nakita ang naka­bigting bangkay nito. (Ludy Bermudo)

AYON

BIYERNES

ERWIN MARGAREJO

GIL ST.

HUWEBES

JOHN PAUL MAGAYORES

KINABUKASAN

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with