Estribo Gang umatake

MANILA, Philippines -  Apat na call center agent ang nabiktima ng mga hinihinalang miyem­bro ng Estribo Gang na nangholdap sa isang pampasaherong jeepney sa Barangay Immaculate Concepcion, Quezon City kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala ang mga bik­tima na sina Michelle Asenci, 25, may-asawa; Evangeline Saavedra, 28, may-asawa; Roquel Mabao; at Johhny Ca­ sas, 2.

Sinabi ng mga biktima na natangay sa kanila ng mga suspek na armado ng patalim ang kanilang mga gamit at pera.

Sinasabing, pagsapit ng jeepney na may rutang Cubao-Divisoria sa panulukan ng Aurora Boulevard at Manga Road, nagdeklara ng holdap ang mga suspek na nagkunwaring pasa­hero at tinangay ang pera at ibang mahalagang gamit ng mga biktima. (Ricky Tulipat)

Show comments