Estribo Gang umatake
MANILA, Philippines - Apat na call center agent ang nabiktima ng mga hinihinalang miyembro ng Estribo Gang na nangholdap sa isang pampasaherong jeepney sa Barangay Immaculate Concepcion, Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang mga biktima na sina Michelle Asenci, 25, may-asawa; Evangeline Saavedra, 28, may-asawa; Roquel Mabao; at Johhny Ca sas, 2.
Sinabi ng mga biktima na natangay sa kanila ng mga suspek na armado ng patalim ang kanilang mga gamit at pera.
Sinasabing, pagsapit ng jeepney na may rutang Cubao-Divisoria sa panulukan ng Aurora Boulevard at Manga Road, nagdeklara ng holdap ang mga suspek na nagkunwaring pasahero at tinangay ang pera at ibang mahalagang gamit ng mga biktima. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending