MANILA, Philippines - Takdang ilatag ni Quezon City Vice Mayoral candidate Joy Belmonte ang programa para sa kabuhayan ng mga informal settler sa lunsod na pinapaalis sa kanilang mga tinitirhan.
Kabilang sa programa ang pagtitiyak na makakapamuhay nang maayos ang mga informal settler na ito sa lilipatan nilang lugar.
Aalamin din kung mas nais ng mga informal settler na ito na bumalik sa kani-kanilang lalawigan o lumipat sa mga socialized housing project na ipinapatupad ng pamahalaang-lunsod ng Quezon City.
Nais matiyak ni Belmonte na makakapamuhay nang maayos ang mga informal settler sa lilipatan nilang komunidad.
Dahil dito, magsasagawa siya ng mga livelihood project na makakatulong sa mga informal settler na kumita at madagdagan ang kanilang panustos sa araw-araw na pangangailangan.
Sa ilalim anya ng QC Ladies Foundation at Ilaw ng Bayan Foundation na kanyang pinangangasiwaan, bibigyan ang mga ito ng kaukulang kasanayan sa mga kaukulang livelihood program kaakibat ng kung paano makakapamuhay nang maayos sa paglilipatang lugar.
Kabilang sa mga maaaring mabene pisyuhan ng programang ito ni Belmonte ang mga residenteng nakatira sa tabing ilog, estero at iba pa. (Angie dela Cruz)