^

Metro

Kabuhayan ng informal settlers ikakasa ni Joy B

-

MANILA, Philippines - Takdang ilatag ni Quezon City Vice Mayoral candidate Joy Belmonte ang programa para sa kabuhayan ng mga informal settler sa lunsod na pinapaalis sa kanilang mga tinitirhan.

Kabilang sa programa ang pagtitiyak na makakapamuhay nang maayos ang mga informal settler na ito sa lilipatan nilang lugar.      

Aalamin din kung mas nais ng mga informal settler na ito na bumalik sa kani-kanilang lalawigan o lumipat sa mga socialized housing project na ipinapa­tupad ng pamahalaang-lunsod ng Quezon City.

Nais matiyak ni Belmonte na maka­ka­pamuhay nang maayos ang mga informal settler sa lilipatan nilang komunidad.

Dahil dito, magsasagawa siya ng mga livelihood project na makakatulong sa mga informal settler na kumita at madagdagan ang kanilang panustos sa araw-araw na pangangailangan.

Sa ilalim anya ng QC Ladies Foun­dation at Ilaw ng Bayan Foundation na kanyang pinangangasiwaan, bibigyan ang mga ito ng kaukulang kasanayan sa mga kaukulang livelihood program ka­akibat ng kung paano makakapa­muhay nang maayos sa paglilipatang lugar.

Kabilang sa mga maaaring mabe­ne­ pisyuhan ng programang ito ni Belmonte ang mga residenteng nakatira sa tabing ilog, estero at iba pa. (Angie dela Cruz)

AALAMIN

BAYAN FOUNDATION

BELMONTE

JOY BELMONTE

KABILANG

LADIES FOUN

QUEZON CITY

QUEZON CITY VICE MAYORAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with