Home for the aged sa QC daragdagan ni Joy B

MANILA, Philippines - Kailangan pang dagdagan ang mga bahay-ampunan para sa mga senior citizen o mata­tandang ulila na ina­bandona o walang kumakali­ngang kaanak sa lunsod Quezon.

Ito ang inihayag ni Joy Bel­monte, kandidatong Vice Mayor ng Liberal Party sa Quezon City, kaya nagbaba­langkas siya ng programa para paramihin ang mga home for the aged sa lunsod na tulad ng mata­tagpuan sa North Avenue rito.     

Sinabi pa niya na kaila­ngan ding paunlarin at isa­ilalim sa rehabilitasyon ang mga bahay-ampunang ito para maging maayos ang pangangalaga sa mga ulila nang matatanda.      

Mahalaga anya na mapa­ngalagaan ang kapakanan ng mga matatandang ito dahil malaki ang naiambag nila sa pagpapaunlad ng lunsod o komunidad noong panahon ng kanilang kabataan.

Sa ngayon, inaalam ng kan­yang tanggapan ang mga bagay na maitutulong sa mga centers na ito para sa kapa­ ka­nan ng mga senior citizen   lalo na sa kanilang panga­ngaila­ngang medikal at kalusugan. 

Bukod sa pagiging isang archeologist, nakilala si Bel­monte sa pagtataguyod sa ka­pakanan at karapatan ng kaba­baihan at kabataan at pamu­muno sa iba’t ibang foundation tulad sa QC Ladies at Ilaw ng Bayan at pagpa­paaral ng mahi­hirap na estud­yante. (Angie dela Cruz)

Show comments